my timeline looks purdy because of the default layout.. cuuteee
my timeline looks purdy because of the default layout.. cuuteee
sino bang mababagot kung ganito kasama mo haha
my first attempt at stop motion video. song by me :)
love you niki haha
my favorite movie of all time
you make me happy
so me
Pwede bang lahat ng gusto ko makasama ilagay ko sa bulsa ko?
lahat ng taong malapit sa puso ko iipunin ko sa tabi ko
pwede bang kahit minsan maging makasarili naman ako
at di ko na isiping kasalanan yon
maari bang isama sila sa lahat ng oras?
sa lahat ng pagkakataon?
malungkot man o masaya
pwede bang sabihin nilang di nila ko iiwan
at gagawin yun ng matapat?
pwede bang bantayan ko lahat ng gagawin nyo
nang di ako mapapagod
pwede bang walang sasakay ng jeep, bus, o eroplano
pwede bang maglakad nalang tayo
dahan dahan para mas matagal?
kung pwede sana di na matapos ang araw
nang di na masilayan ang dilim?
para lahat kayo nakikita ko„
walang nagtatago
pwede bang dumami ang kamay ko
para mahawakan ko kayo lahat
o kaya lagyan ko kayo ng sinulid
at maging saranggola?
nais ko kayong mapanood sa langit ko
sa tuwing titingala ako
at ayoko ng mabasa ang pisngi ko
sa tuwing yuyuko ako
kung hindi pwede
sana maging barya nalang ako sa pitaka nyo
o di kaya yung relos na suot mo upang mabigay ko sayo ang oras
maaari ring maging maletang dala sa ibang bansa
o di naman yung paborito mong pares ng maduduming tsinelas
siguro ganun lang talaga
wala namang permanente
lahat padaan daan lang
ayaw pumirmi sa isang lugar
kung nakakapagod bumyahe„
mas nakakapagod umupo at panuorin ang lahat na umalis
mas nakakapagod humabol sa mga may nalimutan
mas nakakapagod tumitig sa mga bagay na papalayo„
at pinaka nakakapagod gawin,
ang maghintay ng di alam kung may babalik.